November.
Isang buwan na lang matatapos na naman ang taon. Ang daming nangyari. Sa dinami-dami ng mga nangyari, hindi ko alam kung nasan na ko ngayon. Parang back to zero na naman ako. Saan ako pupulutin. Iniisip ko tuloy, tama ba mga desisyon na ginawa ko sa buhay ko ngayong taon? Sapat ba yung mga rason na pinanghawakan ko noon para gawin yung mga desisyon na yun? Pakiramdam ko hindi. Parang bawat desisyon na yun e naghantong sa kinalalagyan ko ngayon. Wala.
Nakakabaliw. Nakakalungkot. Nakakasama ng loob. Nakakaiyak. Nakakapanghina ng loob.
Ngayon lang siguro to. Ang sama ng nangyari kanina. Ang sakit umasa. Pero wala naman akong masisisi kung hindi sarili ko lang. Desisyon ko lahat yun. Ako lahat yun. Haay. Hinga lang. Sana lumipas na to.
Tara inom tayong milk tea.